LBC at ang Magulo nilang POLICY

Share:
Nangyari ito nong magpadala ako ng isang package na naglalaman ng mga food supplements papuntang Iligan City. Mahigit dalawang taon na akong nagpapadala ng ganito sa kahit saang parte ng ating bansa pero lately lang ako nakakaranas ng hindi ko maintindihang policy na sinasabi ng isang malupet na babaeng taga LBC. Marami din akong kaibigan na taga LBC at meron nga akong kaibagan na Area Head sa ComVal Province.

Three weeks ago bago ito, nagpapadala din ako sa Iligan City, parehong item pero sa magkaibang LBC branch. Pumunta ako sa City Triangle branch ng LBC, harap ng Ateneo de Davao. Isang lalaki ang nag asekaso sakin at sinabi nya na meron daw policy tungkol sa mga liquid na padala. Kailangan ko raw pumerma sa waiver na hindi sila responsible kung mag spill ang liquid na pinadala ko. Sabi ko more than 2 years na akong nagpapadala sa ganung items pero wala naman akong narinig na tungkol sa policy na iyon. So far, wala din naman incident na nangyari dahil ang liquid na iyon ay fully sealed at for security dahil malayo pa ang pinaggagalingan ng supplement s na iyon.

Galing Canada ang food supplements na ipapadala ko. Napakalayo ng Canada sa atin kaya matindi na ang pinagdadaanan ng item na iyon pero in good condition pa rin ito.  I observed wala naman ibang documents ang pinapapiramahan ng lalaki maliban sa resibo. After 3 days dahil weekend yon, dumating ang package sa Iligan City na walang problema. 

Kaya last weekend Saturday din, dahil marami akong pinamili sa Chinatown, late na yong pagpunta ko sa LBC branch na binanggit ko kaya napilitan akong maghanap ng ibang branch at ang naisip ko ay ang sa Gmall branch. Doon na nag-umpisa dahil ang babaeng nag ngangalang Dianne, ayaw talaga nya tanggapin ang padala ko dahil kailangan daw ipasok pa ito sa isang plastic. Dahil gabi na at hinahabol ko ang pagpapadala dahil kailangan ito ng isang kamag-anak ko na may stroke patient kaya napilitan akong pumayag. Ang problema, wala pala silang plastic sa loob ng branch at kailangan ko pang lumabas sa office nila at pumunta sa plastic ware section para mamili ng pwede pagsidlan ng aking package.

Napakawalang kwenta naman yong serbisyong ganon. Bukod sa hindi ko maintindihan ang policy nba sinasabi nya at wala din naman siyang binigay na katibayan tungkol sa policy nila kaya uminit kunti ang ulo ko. Hindi ako pwede lumabasa uli dahil meron pa akong isang malaking karton na dala na may mga laman na cellphone galing sa supplier ko. Kaya umuwi nalang ako sa Lupon, Davao Oriental at kinabukasan ko nalang ihulog ang package. Nong pinadala ko na ang package, yong nasa LBC lupon, ni isang salita about sa liquid at sa padala walang binanggit na tulad nong sa babae sa Gmall LBC branch.

Hindi ko alam kung anong pinaglalaban ni Ms. Dianne. Napakataray ng dating nito pagdating sa pag asikaso ng customer. Palagay nalang natin na pagod na dahil sa trabaho dahil gabi na pero dapat hindi naman ganon ang ipapakita nya sa mga client nila. Maaaring kulang sa training ang babaeng iyon. Sana mapansin ng pamunuan ng LBC ang mga pinakitang poor service ng mga crew nila sa mga taong matagal ng gumagamit ng services nila. Dapat meron silang loyalty card para makikita ng mga crew kung gaano kadalas nagpapadala ang isang client.

Sa mga gustong magpadala ng mga liquid items tulad sa pinadala ko na intra, nutria at fibrelife na parehong products ng Lifestyles na galing Canada, huwag na kayong magpadala sa GMALL LBC branch kung ayaw nyong makaranas ng hindi maganda. Umiwas kayo at pumunta na lamang sa ibang branch within Metro Davao.

2 comments:

  1. Thank you for sharing this unfortunately bad experience. Pero this would be very helpful para ma-aware kami... para iwas aberya. minsan or most of the time they forget how good customer service should be like. Tsk tsk. ��

    ReplyDelete
  2. Kung meron mang paloicy dapat lahat ng branch nagpapatupad pero bakit si Ms. Dianne lang ang may alam nito. Ang daming aberya sa kanilang policy daw, pati charges tinaasan para mahatid ang magandang serbisyo pero sa palagay ko mukhang walang naiba.

    ReplyDelete