3rd Telco Player Naudlot Na Naman

Share:
Naudlot ang pagpili sa magiging pangatlong telco player sa ating bansa. Ito ay ina-announced ng Department of Information and Communication (DICT) on Thursday March 20. Ang pagpili ay gaganapin uli sa buwan ng Hulyo sa taong ito. Ang officer-in-charge ng DICT na si Eliseo Rio ang nagsasabi nito na ang deadline sa bidding para sa pangatlong telco ay na mo-moved sa May 24 pero ngayon na moved na naman uli either Hunyo or Hulyo.

Ang rason kung bakit na-DELAY dahil pina-finalized pa ng DICT ang Terms of Reference (TOR) ng pagpili ng mga bagong telco player. Sabi pa ng Rio, sinigurado nila na ang pagpili ay more complete at comprehensive compared sa kanilang first draft na mas attractive ito sa mga contenders na mga telco players pero sa kabilang banda naman, hindi ito anti-competitive sa existing na dalawang telcos. Dagdag pa ni Rio, he assured na ang announcement sa bagong telco player ay magaganap bago pa gaganapin ang State of the Nation Address o SONA ng ating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gaganapin sa Hunyo 23.

Matandaang ang TOR ay naka SET na e publish sa publiko sa buwan ng March pero sa ngayon inaasahan itong ma publish pagkatapos ng mahal na araw, mga around first week sa buwan ng April.

Goodnews ito para sa lahat na mga Filipinos na matagal ng nagtiis sa mga pag monopolya ng Smart at Globe sa larangan ng kumuniskasyo. Tinitiis ng lahat ang napakabagal at napakahinang speed ng internet dahil nagdi-depende lang tayo sa speed at data allocation na binigay nila. Mapipilitan na ngayon silang makikipag gitgitan sa lakas at magandang serbisyo na ibibigay ng bagong telco player.

Ang internet speed ay matagal ng hinaing ng mga mamayan sa ating bansa kaya isa ito sa binigyan ng attention sa ating Pangulo. Dahil malaki ang tulong na maiambag ng internet sa paglago ng ating ekonomiya ngayon at sa hinaharap. Maaari nitong mas mapabilis pa ang mga business transactions na makakatulong sa mga negosyante at pati na rin sa mga OFW na sila ang main foundation ng ating lumalagong ekonomiya. 

No comments