ARAB ANSWER TO KUWAITI STAR

Share:

SAGOT NI KUYANG ARABO KAY ATENG ARABA NA KUMUKWESTIYON SA ONCE A WEEK DAY OFF NG MGA PINAY DOMESTIC WORKER AT HINDI PAG SURRENDER NG PASSPORT NITO SA KANILANG MGA EMPLOYER.

(ctto Khalid AL Ameri)



Wala naman talagang dapat ikabahala itong celebrity na ito kung siya ay mabait sa kanyang mga Kadama. Hindi siya dapat matakot kung mag run away ang mga DH, dahil hindi naman ito nila gagawin kung maganda ang pakikitungo ng mga amo sa kanilang mga kasambay. Hindi dapat etratong alipin ang mga DH natin sa iba't-ibang bansa. Nagtrabaho ng silang may sahod pero hindi ito rason na gawing alipin ang mga ito.

Nagtrabaho ako sa isang malaking palasyo sa Saudi Arabia. Kahit mga sobrang yaman ng mga Boss ko pero ni minsan, walang isang kasambahay o kahit sino na mga tauhan nya sa palasyon ang itinuring nyang alipin.

Bilyonaryo ang amo ko pero ni minsan sa dalawang taon ko sa kanila, hindi ko maalaala na inutusan ako na walang PLEASE AT THANK YOU. Sa totoo lang, sa kanilang pamilya talaga ako napahanga dahil sa sobrang bait nila. Pati mga anak nya, tinuruan din nyang mag PLEASE AT THANK YOU sa mga Pinay na katulong nila. More than 10 ang kasambahay nila at puro Pinay, hindi pa kami kasama mga houseboy at mga nagtatrabaho sa kusina. 

Kung ganon ang ugali ng mga amo, walang mag RUN AWAY sa kahit kaninong amo dahil pinakitaan ito ng mabuting ugali, hindi bilang alipin kundi isang parte ng pamilya. Sana magising ang star na ito kapag, isang araw magigising nalang siya na wala ng mag-asikaso sa kanya dahil umuwi na at napilitan umalis sa kanya dahil sa sama ng ugali.

No comments