Hindi Pinasakay sa Barko -Bakit?

Share:
Nakaka-awa ang sinapit ng isang matanda at mga kasamahan nito. Pilit sumakay sa barko pero hindi na pinayagan dahil paalis na ito. Sa side ni Tatay, meron silang rason kung bakit sila hindi agad nakasakay dahil sa isang emergency. Sa side naman ng barko, protocol nila yan na pagdating sa oras kailangan na talagang umalis, no matter kung sino yong pwedeng maiwan. 



Pareho silang may rason pero ang hindi lang pwede sana ay yong itulak ang matanda baka mahulog pa sa tubig o di kaya'y mabagog ang ulo sa cemento. Dapat din kasi si Tatay hindi na rin nagpupumilit. Marami namang paraan para makauwi o makapunta sa gusto nyang pupuntahan.

Antayin nalang natin ang resulta sa imbistigasyon. Sigurado tayong, merong ginagawang imbistigasyon ang pamunuan ng barko sa incendinting nangyari. Lalo pa't nag viral na ito ngayon sa social media. Sana may mga hakbang gagawin para hindi na ito mauulit pang muli.

No comments